-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Vietnam President Vo Van Thuong matapos ang isang taon na pananatili lamang sa puwesto.

Naganap ang desisyon nito matapos ang pakikipagpulong sa ruling Communist Party.

Ayon sa nasabing partido na nilabag nito ang ilang panuntunan nila na nakasira sa reputasyon ng grupo.

Ang 53-anyos na si Vo Van Thoung ay siyang pinakabatang naging pangulo ng Vietnam at siya rin ang tinaguriang pinakamabilis na humawak ng nasabing posisyon.

Nakatakdang pumili ang nasabing partido ng papalit sa nagbitiw na pangulo.