Planado na ng Denver Nuggets ang isasagawang grand parade matapos manalo ang koponan at iuwi ang kauna-unahang Championship trophy mula sa NBA Finals.
Ang nasabing parada ay gaganapin sa Hunyo-15 o June 16, oras sa Pilipinas.
Inilabas na rin ng koponan ang mga detalye ng isasagawang parada kung saan magkakaroon muna ng pre-rally na susundan ng pagpapalabas sa mga higlight reel na kuha sa championship run.
Magkakroon din ng simpleng programa ang City of Denver para parangalan ang mga Denver players bilang NBA Champions.
Samantala, maliban sa mga players, coaching staff, at management ng Denver Nuggets, isasama rin sa parada ang mga trophy na napanalunan ng Denver ngayong taon, kasama na ang Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player Award trophy, Oscar Robertson Trophy bilang mga Western Conference Champion, at ang Magic Johnson trophy.
Kasama na rin dito ang pinakaaadam na tropeo – ang Larry O’Brien Trophy na tanda ng pagiging kampeon ng nasabing koponan.
Samantala, pinasalamatan naman ni NBA Finals MVP Nikola Jokic ang kanyang mga kapwa Nuggets players na naging kasangga nito mula sa pagsisimula ng 2023 postseason hanggang sa matapos ang Finals. Bagaman napakalaking bagay ang Finals trophy aniya, pero hindi umano matatawaran ang naging samahan ng mga ito sa kabuuan ng 2023 regular at post season.