-- Advertisements --
Hindi inaasahan ni Victoria Mboko na tatalunin niya si four-time grand slam champion Naomi Osaka sa finals ng Canadian Open sa Montreal.
Sa simula ng laro ay nakuha ni Osaka ang panalo hanggang ito ay tuluyang makabangon sa score na 2-6, 6-4, 6-1.
Ito ang unang WTA Tour final ng 18-anyos na Canadian tennis player.
Siya rin ang ikatlong Canadian sa Open Era na nagwagi sa torneo matapos kay Faye Urban noong 1969 at Bianca Andreescunoong 2019.
Sa simula ng taon ay nasa ranked 333 sa buong mundo si Mboko at inaasahan na aangat ang puwesto.