-- Advertisements --

Muling nanindigan si Vice President Sara Duterte na itinuturing na mga traydor ang mga Communist Party of the Philippines, ang armed component nito ng New People’s Army ganun din ang political wing nito na National Democratic Front (NDF).

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagkakasawi ng isang sundalo ng makasagupa ang mga NPA sa Batangas.

Sinabi ng ikalawang pangulo na maituturing na traydor, mapanlinlang at nagdadala ng karahasan na sumisira sa komunidad.

Binigyang pagkilala ng bise presidente ang kadakilaan ni Sgt. Jernell Ramillano na siyang nasawi ng makasagupa ng mga sundalo ang hindi mabilang na mga NPA.