-- Advertisements --
Nagbabalik mula sa dalawan taon na retirement ang beteranong basketbolista ng bansa na si Marc Pingris.
Sa pagkakataong ito, si Pingris ay kinuha ng Imus SV Squad para makapaglaro sa nalalapit na Maharlika Pilipinas Basketball League Season.
Iniwan ni Pingris ang kasalukuyan niyang posisyon bilang Commissioner ng Pilipinas Super League para muling makapaglaro ng competitive basketball.
Samantala, gagamitin muli ni Pingris ang no.15 bilang Jersey number na matagal na panahon din niyang ginamit noong player pa siya ng PBA
Naglaro si Pingris sa loob ng labinlimang season sa PBA kung saan binansagan siya ng mga basketball fans na Pinoy Sakuragi.
Sa kanyang karera, humakot siya ng siyam na PBA titles at dalawang PBA Finals MVP.