-- Advertisements --

Pinalakas pa ng Chicago Bulls ang kanilang frontline players matapos kunin ang veteran center na si Andre Drummond.

Si Drummond na isang two-time All-Star at four-time rebounding champion ay magsisilbing back up ng big man ng Bulls na si Nikola Vucevic.

Ang 28-anyos na si Drummond ay nag-a-average ng 13.8 points at 13.3 rebounds sa nakalipas na 10 seasons sa mga teams na Detroit, Cleveland, Los Angeles Lakers, Philadelphia at Brooklyn.

Sinasabing naging maganda naman ang performance ni Drummond sa Brooklyn noong huling season matapos mapasama siya sa trade kapalit ni James Harden na napunta sa Philadelphia Sixers.