-- Advertisements --

Lilipat na ng ibang team ang six-time NBA All-Star at veteran free agent na si Blake Griffin matapos na pumirma ng isang taong kontrata para sa Boston Celtics.

Si Griffin ay nagmula sa Brooklyn Nets bago pumirma sa bago niyang team.

Kung maaalala, nagkaroon siya ng surgeries sa kanyang parehong tuhod noong taong 2019 at 2020.

Una rito, matinding pagsisikap ang kanyang ginagawa para maibalik ang dati niyang outstanding performance habang nasa Nets kung saan nag-a-average siya ng 6.4 points at 4.1 rebounds noong nakaraang NBA season. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)