-- Advertisements --

Pumanaw na ang beternang actress na si Cherie Gil sa edad 59.

Kinumpirma ito ng actress-talent manager na si Anabelle Rama sa sa kaniyang social media nitong gabi ng Agosto 5.

Hindi naman na binanggit nito ang sanhi ng kamatayan nito.

Bumuhos naman sa social media ang iba’t ibang pakikiramay sa pagpanaw ng actress na naging kilala ng husto sa mga contravida roles sa pelikula at maging sa telebisyon.

-- Advertisement --