Halos isang buwan na mula nang tumama ang magkasunod na malalakas na lindol sa Venezuela, lumagpas na sa 5,000 katao ang nasawi habang inanunsiyo ng mga opisyal na daan-daang milyong dolyar mula sa International Monetary Fund (IMF) ang nalikom para sa konstruksiyon ng mga napinsalang imprastruktura.
Ayon kay National Assembly chief Jorge Rodriguez, karamihan sa mga nasawi ay naitala sa coastal state ng La Guaira.
Nananatili naman sa mahigit 16,000 ang bilang ng mga indibidwal na nasugatan, kung saan ayon sa parliamentary leader, karamihan dito ay na-discharge na mula sa pagamutan.
Samantala, kinumpirma naman ni IMF Managing Director Kristalina Georgieva ang paglalabas ng pondo kung saan nakikipagtulungan na ang institusyon sa counterparts nito para tulungan ang Venezuela na ma-access ang kanilang sariling resources sa Fund for urgent humanitarian needs, na magmumula sa kanilang reserve tranche.
Tinatayang nagkakahalaga ng $5.1 billion ang Special Drawing Rights (SDRs) ng Venezuela sa IMF, subalit hinarang ito dahil hindi kinikilala ng institusyon ang pamumuno ni dating Venezuelan President Nicolas Maduro.
Sa kasalukuyaan, nasa 20,000 katao ang nawalan ng bahay matapos mapinsala ng mga lindol at naninirahan pansamantala sa mga overcrowded camps, kung saan karamihan ay salat sa tubig at maayos na sanitation system.















