-- Advertisements --

Umabot na sa 1,943 ang nasawi at mahigit 10,500 ang nasugatan matapos ang magkasunod na magnitude 7.2 at 7.5 na lindol sa Venezuela.

Sa kabila ng lumiliit na pag-asa, isang 3 taong gulang na bata ang buhay na nasagip mula sa guho sa Caracas anim na araw matapos ang lindol sa tulong ng Jordanian civil defense team.

Ayon sa United Nations Refugee Agency, laganap din na ang kakulangan sa pagkain, naputol ang mahahalagang serbisyo at komunikasyon sa La Guaira, ang pinakamalubhang naapektuhang lugar.

Sinabi naman ng National Assembly ng Venezuela na mahigit 6,500 katao ang nasagip mula sa mga guho, habang tinatayang halos 20,000 ang nakaligtas sa tulong ng mga rescuer at kanilang mga kaanak.

Batay sa paunang pagsusuri ng NASA, mahigit 58,000 gusali ang posibleng nasira o gumuho dahil sa lindol.