-- Advertisements --

Patuloy pa ring sinusuyo ni Marinduque Rep. Lord Allan sa mga mambabatas mula sa ibang partido upang makuha ang kanilang boto para sa speakership race.

Ito ay matapos na makumpirma na hindi solido sa kanyang kandidatura para sa Speakership ang kinaaniban nitong PDP-Laban na may 84 miyembro.

Kahapon ay inanunsyo nina PDP-Laban members Rep Doy Leachon, Johnny Pimentel at Rimpy Bondoc na nasa 40 miyembro ng partido ang pumirma sa manifesto of support para sa Speakership bid ni Velasco.

Pero may ibang miyembro ng ruling party ang nag-cross partylines para suportahan naman ang kandidatura ni Taguig Rep Alan Peter Cayetano na mula sa Nacionalista Party.

Kinumpirma ng Makabayan Bloc na kinausap sila ni Velasco para tiyakin sa kanila na kung dati ay limitado lamang ang oras ng oposisyon pagdating sa mga debate, sa ilalim ng bagong liderato ay mas luluwagan ito.

Ayon naman kay Caloocan Rep Edgar Erice ng Liberal Party, hinihikayat sila ni Velasco na sumama na sa Majority.

Sinabihan din daw siya nito na isa sa posibleng ibigay sa kanila ay mga Committee Chairmanship para sa kanilang mga senior members.

Maging ang Party-list Coalition ay sinusuyo rin ni Velasco.