-- Advertisements --

Aapela si Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at Professional Regulation Commission (PRC) para payagan at kunin ang serbisyo ng mga unregistered nurses upang magsilbing complementary manpower sa harap ng shortage sa mga healthworkers sa bansa.

Ito ay habang hinihintay pa aniya ang naurong na nursing board exam sa Nobyembre 21 at 22 ngayong taon, na una nang nakatakda dapat sa Mayo 30 at 31.

Sinabi ni Velasco na ang mga unregistered nurses na ito ay maaring magtrabaho sa ilalim nang paggabay ng isang registered nurse o doktor sa pamamagitan ng isang special arrangement sa PRC.

Base sa datos ng DOH, lumalabas na hanggang noong Abril 25, kabuuang 17,365 health workers ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 195 sa mga ito ay active cases at 88 naman ang tuluyang pumanaw.