BACOLOD CITY – Nagkasundo ang hanay ng mga kongresista sa Visayas region na dalawang kapwa mambabatas lang ang susuportahan sa kanilang pagtakbo bilang speaker ng Kamara sa 18th Congress.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Abang Lingkod Party-list Rep. Stephen Paduano, nag-desisyon ang 45 miyembro ng Visayan bloc na mamili lang kila Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez ng iboboto na House Speaker.
Una ng kinumpirma ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez ang ulat.
Pero ani Paduano, malinaw ang kasunduan ng mga kongresista sa Visayas na susuportahan ang sino mang ie-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon nagtakda raw ng deadline na hanggang July 15 ng bloc para magdesisyon kung sino ang bibigyan ng isahang boto sa halalan ng susunod lider ng Kamara.