Hindi kumbensido si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa drug war report ni Vice President Leni Robredo.
Ipinagtanggol ni Velasco ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga laban sa batikos dito ni Robredo.
Tinukoy ni Velasco ang 79 percent satisfaction rating na nakuha ng drug war sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.
Nabatid na sa MIMAROPA region, kung saan kabilang ang distrito ni Velasco, ay bumaba umano ang illegal drugs cases.
Base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 64 percent ng mga barangay sa MIMAROPA ay naideklarang drug-free.
Nauna nang naging kontrobersyal ang Marinduque ng dahil sa iligal na droga ng matapos na arestuhin ng PDEA at ng PNP ang dating staff at driver ni Velasco.
Maliban sa iligal na droga, nakuhanan si Marx Dexter Anthony Preclaro, personal driver ng mambabatas, ng iligal na droga at mataas na kalibre ng baril.
Bukod dito, isinangkot din noon ni Sen. Leila de Lima ang ama ni Velasco na si retired Supreme Court Justice Presbitero Vilasco sa convicted drug lord na si German Agojo.