Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY — Sinaksak ng lasing na lalaki ang isang Vote Counting Machine (VCM) sa Brgy Osang, Catubig, Northern Samar.

Nakilala ang suspek na si Efren Rosco, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Pol. Maj. Rio Tan, hepe ng Catubig Police Station, na pabalik na ang mga electoral members sa Poblacion Catubig dala ang VCM ng bigla nalang itong saksakin ng lasing na suspek na kanilang nakasalubong.

Napag-alaman na ang naturang VCM ay isa sa mga nag malfunction sa kasagsagan ng eleksyon.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ang suspek na agad na nakatakas.