-- Advertisements --
Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala na ng European Union ang vaccine certificate ng Pilipinas.
Ayon pa sa DFA na ang VaxCertPH ay tinatanggap na ng European Union Digital Covid-19 Certificate (EU DCC) system at mga bansa sa EU community.
Habang ang mga mayroong EU, DCC ay maaring makakuha ng mga digital verification sa mga port of entry ng Pilipinas.
Bago kasi aprubahan ng nasabing VAXCertPh ay nagkaroon ng bilateral na kasunduan ang Pilipinas at ang mga bansa sa Europa.
Dahil dito ay aabot na sa 94 na bansa at teritories sa buong mundo ang kumikilala na sa VAXCertPH ng Pilipinas.