-- Advertisements --
Pinayagan na ng Vatican ang pagsisimula ng imbestigasyon para sa posibleng pagiging santo ng 13-anyos na Ilokana na si Nina Ruiz-Abad.
Ayon sa Dicastery for the Causes of Saints sa Vatican na kanilang papayagan ang Diocese ng Laoag para imbestigahan ang reputasyon ni Abad.
Una ng sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang dalagita mula sa Ilocos Norte ay may malakas na debosyon sa Eukaristiya noong ito ay nabubuhay pa.
Ang kaniyang paniniwala umano ay inspirasyon sa buong probinsiya.
Si Abad ay pumanaw dahil sa cardiac disease noong ito ay 13-anyos pa lamang.
Magsisimula sa Abril ang beatification at canonization process ni Abad sa Saint William’s Cathedral sa Laoag.