-- Advertisements --
Handang mamagitan ang Vatican para matigil ang kaguluhan sa pagitan ng Israel ang mga Palestinian militants na Hamas.
Ayon kay Cardinal Pietro Parolin, the Vatican’s Secretary of State na ito lamang ang nakikita nilang paraan para tuluyang mapalaya ang mga bihag ng Hamas.
Nababahala na kasi si Pope Francis sa kalagayan ng mga bihag at ang dami ng mga inosenteng nadadamay dahil sa kaguluhan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Vatican sa dalawang para maisakatuparan ang nasabing pag-uusap.
Magugunitang bukod sa Vatican ay nag-alok na rin ang Turkey at ilang mga bansa ng pagkakaroon ng mapayapang pag-uusap.