-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Vatican sa pagdala sa pagamutan ni Pope Francis.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni na ang pagtungo ng 86-anyos na Santo Papa sa Germili Hospital ay para magpa-check up.

Ito rin ang pagamutan kung saan sumailalim sa operasyon sa kaniyang colon ang Santo papa noong Hulyo 2021.

Ang nasabing check up ay matagal ng naka-schedule kung saan ngayon lamang ito isinagawa dahil sa pagiging abala ng Santo Papa.

Magugunitang sinabi ng Santo Papa na kusa na lamang itong bababa sa puwesto kapag tuluyan ng mahina na ito at hindi na kaya ng kaniyang kalusugan.