-- Advertisements --

Umatras na sa title fight si star boxer Vasyl Lomachenko laban kay George Kambosos Jr.

Sinabi nito na mas pipiliin niyang sumama sa pakikipaglaban ng mga sundalo ng Ukraine matapos na sila ay lusubin ng Rusisa.

Kinumpirma rin ng kaniyang promoter na si Lou DiBella na hindi na matutuloy ang laban ni Lomachenko kay Kambosos sa darating na Hunyo 5.

Sa nasabing laban aniya ay idedepensa sana ni Kambosos Jr ang kaniyang WBA,WBC, IBF at WBO lightweight world title.

Magugunitang noong sumiklab ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay naging aktibo ang nasabing boksingero sa pakikipaglaban kung saan kumalat pa ang mga larawan nito na may bitbit na baril.

Sa panig naman ni Kambosos na nirerespeto niya ang naging desisyon ni Loma na umatras sa kanilang laban kung saan nagparating din ito ng pagdarasal para agaran ng matapos ang kaguluhan sa nasabing bansa.

Una rito nagdesisyon rin ang world heavyweight boxing champion Vitali Klitschko na alkalde na ngayon ng Kiyv, Ukraine at ang kapatid nitong boksingero na si Wladimir Klitschko na lumahok sa pakikipaglaban sa mga paglusob ng Russia.