-- Advertisements --

Umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) para sa vacation pay dahil sa kawalan ng pahinga ng mga ito bunga ng pagbubukas muli ng panibagong ng mga klase para sa school year 2022-2023 na magsisimula sa August 22.

Ayon kay ACT chairperson Vladimir Quetua, may paglabag ang kagawaran sa pag-isyu ng DepEd Order 34 na nagtatakda para sa resumption ng mga klase dahil dapat pagkatapos ng June 24 ay bakasyon na ng mga guro.

Kung kayat panawagan nila na mabayaran ang mga guro na lagpas sa takdang panahon na kanilang tinawag na Proportional Vacation Pay.

Nauna ng umapeal ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa gobyerno na iurong ang pagbubukas ng incoming school year sa kalagitnaa ng Setyembre o Oktubre para mabigyan ng sapat na oras ang mga guro na makapagpahinga