COVID Wuhan China virus hospital doctors
Health facility in China (@Chinaembmanila)
-- Advertisements --

Aabot sa humigit kumulang P7 million ang utang ng PhilHealth sa bawat miyembro ng Philippine Hospital Association.

Nauna nang sinabi ng PhilHealth na tanging P12.9-billion halaga ng claims lamang ang hindi pa nila nababayaran, taliwas sa P86 billion na sinasabi ng mga ospital.

Ayon kay PHA president Dr. Jaime Almora, ang P86 billion na kanilang sinsabi ay ang kabuuang halaga na ginastos ng mga ospital sa kanilang mga pasyente na walang reimbursement sa PhilHealth.

Aabot naman aniya sa P13.6 billion ang denied claims, nasa P13 billion hanggang P16 billion ang in-process claims, at P46 billion ang Return to Hospital (RTH) claims, ayon kay Almora.

Hindi na nga aniya binabayaran ng PhilHealth ang obligasyon nito sa 1,100 members ng PHA ay tinatawag a silang manloloko sa ngayon.

-- Advertisement --