-- Advertisements --
image 134

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na manageable pa ang utang ng Pilipinas.

Ayon sa kalihim posibleng lumagpas ang outstanding debt ng bansa sa P14.63 trillion assumption subalit ang gross domestic product (GDP) ratio ay nananatiling manageable pa rin.

Saad pa ng opisyal na ang tamang metric para sa pag-assess ng utang ng bansa ay ang proportion nito sa economic output na tinatayang nasa 60 hanggang 61% ngayong taon.

Aniya, noong pre-pandemic ang debt to GDP ay nasa 39%.

Paliwanag ng Finance chief na tumaas ang inutang na pera ng pamahalaan dahil sa mga medisina at bumaba naman ang revenues.

Subalit noong unang quarter aniya ng kasalukuyang taon umabot ito sa 61% ng debt to GDP bilang resulta ng pandemiya na resonable naman.

Kaugnay nito, target ng pamahalaan na maibaba ang debt to GDP sa 51% bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.

Nilalayon naman ng economic managers na makamit ang 6 hanggang 7% na paglago ng ekonomiya ngayong taon.