Nananatiling malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.
Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para tuluyang makuha ang kanilang ikatlong panalo.
Ang Filipino-American na si Jordan Clarkson ay nag-ambag naman ng 18 points kasama na ang tatlong 3 pointers.
Tinangka pa ng Pelicans na makabangon pero isinalba nina Markkanen at Kelly Olynyk ang Utah sa pamamagitan ng clutch baskets sa overtime.
Bumangon kasi ang Utah nang mawala ang kanilang 17-point lead sa fourth quarter at naghabol sa 110-107 nang maipasok ni CJ McCollum ang 3-pointer sa final minute ng regulation.
Swerte namang nakapagbuslo si Clarkson ng 3-points upang mapuwersa ang overtime.
Sinamantala rin ng Utah ang hindi pagbalik sa game nina Brandon Ingram at Zion Williamson sa extra minutes. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)