CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Ustadz nang sakalin at talian ang leeg sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Ustadz Hadji Bayan Camarudin,38 anyos,may asawa at residente ng Barangay Libutan Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na natagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Tuka Mamasapano Maguindanao.
Sinakal at tinalian sa leeg si Ustadz Camarudin dahilan ng kanyang pagkasawi na posibling tinapon lang sa naturang lugar.
Malaki rin ang paniniwala ng mga otoridad na pinahirapan ang biktima bago ito pinatay ng mga hindi kilalang suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mamasapano PNP sa pagpaslang sa biktima.










