-- Advertisements --

Pasok na rin sa round of 16 ang US matapos talunin ang Iran 1-0 sa Group B games ng nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar.

Sa loob ng 38 minuto ng laro ay naipasok ni Christian Pulisic ang goal sa laro na ginanap sa Al Thumama Stadium at nakuha ng ranked 16 na US ang lamang laban sa ranked 20 na Iran.

Nagkabanggaan pa ni Pulisic si Iranian keeper Ali Beiranvand at hindi ito nakatayo agad dahil pananakit sa tiyan.

Nagkaroon ng pagtatangka ang Iran para maitabla ang laban subalit binantayan ito ng US hanggang maubos ang extended na siyam na minuto mula sa regular time.

Nasa pangalawang puwesto na ang US sa Group B at susunod na makakaharap ang the Netherlands sa araw ng Sabado.