-- Advertisements --
Hindi tatanggalin ng US ang kasalukuyang travel restrictions.
Kasunod ito panibagong pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Sinabi White House spokesperson Jen Psaki, na isinagawa ang desisyon matapos ang pagpupulong ng mga matataas na opisyal.
Ang umiiral aniya na travel restrictions noong 2020 sa maraming bansa ay hindi pa rin tatanggalin.
Magugunitang nagpatupad ang US ng travel restrictions sa China noong Enero 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.