-- Advertisements --
Nilinaw ng White House na hindi sila interesado na makipaggiyera sa Yemen.
Sinabi ni White House national security spokesman John Kirby na lahat aniya ng kanilang ginawang missile attacks kasama ang UK ay lehitimong operasyon laban sa mga Houthi rebels.
Nagsasagawa pa sila ng mga assesment kung ilang ang damyos na natamaan sa Yemen na kuta ng mga Houthi rebels.
Lahat aniya ng kanilang ginawa ay isang paraan para maiwasan ang anumang paglala ng kaguluhan sa lugar.