Nagsagawa ng mga bagong pag-atake ang Estados Unidos at United Kingdom laban sa Houthi targets sa Yemen mula sa air at surface platform — kabilang ang F/A-18s — sa hindi bababa sa 30 target sa hindi bababa sa 10 lokasyon, ayon sa mga opisyal.
Kasama sa mga target ang command at control, isang underground weapon storage facility, pati na rin ang iba pang mga armas na ginagamit ng mga rebeldeng suportado ng Iran upang targetin ang mga international shipping lane, sinabi ng isang opisyal.
Magugunitang, nangako ang administrasyon ni Pangulong Joe Biden ng isang “multi-tiered” response sa isang drone attack na ikinasawi ng three US service members at ikinasugat ng mahigit 40 noong nakaraang katapusan ng linggo.
Sa paghahangad na maiwasan ang isang regional war sa Tehran, hindi direktang tinarget ng US ang Iran, sa halip ay hinahabol nito ang ilan sa mga powerful proxy nito sa rehiyon.
Ang mga pag-atake sa Yemen ay naiiba sa mga pag-atake sa Iraq at Syria: Ang una ay tugon sa nagpapatuloy na Houthi attacks sa mga international shipping lane at US warships sa Red Sea, habang ang huli ay isang paghihiganti para sa deadly attacks sa US troops. Ngunit parehong target ang mga Iranian-backed group sa Middle East.