-- Advertisements --

Pag-aaralan ng US Supreme Court ang desisyon ng Korte Suprema ng Colorado sa pagtanggal kay dating President Donald Trump na tumakbo sa pagkapangulo.

Itinakda ng ang nasabing pagdinig sa darating na Pebrero 8.

Magiging crucial ang desisyon na ito ng siyam na justices dahil sa gaganapin ito sa gitna ng 2024 election.

Huling nagsagawa ng desisyon ang US Supreme court ay noong 23 taon na ang nakakalipas sa pagitan nina George Bush at Al Gore.

Una ng pinagbawalan ng Maine si Trump na tumakbo sa pagkapangulo kung saan nakatakdang iapela ito ng kampo ng dating pangulo.