Labis pa rin ang nararamdamang lungkot at traumatized ni US House Speaker Nancy Pelosi matapos ang naganap na pag-atake sa kaniyang asawang si Paul.
Nagpasalamat na lamang ang pamilya nila dahil sa bilis na pagresponde ng mga alagad ng batas at naitakbo sa pagamutan ang asawa.
Ang 82-anyos kasi na si Pelosi ay pinalo ng martilyo ng 42-anyos na si David Depape sa loob ng kanilang bahay sa San Francisco.
Nagtamo ito ng fracture sa bungo at sugat sa kanang balikat at kamay.
Patuloy din ang paggaling nito sa pagamutan habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng kapulisan.
Nagpapasalamat na lamang ang US House Speaker dahil nakakatulong sa kasalukuyan ang mga ipinapaabot na pagdarasal.
Magugunitang ng respondehan ng kapulisan ang tawag sa bahay ni Pelosi ay naabutan nila ang suspek at ang biktima na nag-aagawan sa martilyo kung saan pilit na hinahanap ng suspek si Speaker Pelosi na sa mga oras na iyon ay nandoon siya sa Washington.