-- Advertisements --
Nakatakdang mag courtesy call ngayong umaga kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang isang mambabatas ng Estados Unidos sa Malakanyang.
Batay sa schedule ng Chief Executive, magkakaharap sila ngayon ni US Senator Tammy Duckworth.
Si Duckworth ay kasapi ng Democratic party at kumatawan sa Illinois 8th Congressional district ng US House of Representatives mula 2013 hanggang 2017.
Alas-10:30 ngayong umaga inaasahan ang US senator sa Malacanang.
Samantala, mamayang hapon ay magpe- presenta ng kanyang credentials ang bagong Ambassador to the Philippines ng Republic of Guinea-Bissau na si António Serifo Embaló.
Si Ambassador Embaló ay naging ambassador din sa Beijing, China.










