WASHINGTON – Kinumpirma na ng US Senate ang nominee ni President Joe Biden na si Antony Blinken bilang secretary of state.
Sa 100-member Senate, 78 ang sumuporta kay Blinken habang 22 naman ang tumutol, na pawang mga Republicans.
Si Blinken ay dati nang nakumpirma ng US Senate, ang pinakahuli ay noong nagsilbi ito bilang No. 2 sa State Department noong panahon ni dating Democratic President Barack Obama, kung saan bise presidente naman si Biden.
Sa kanyang kumpirmasyon sa Senate Foreign Relations Committee noong nakaraang linggo, nangako si Blinken na lalong makipagtulungan sa mga kaalyado ng US matapos ang “America First” approach ni dating President Donald Trump sa kanilang foreign affairs.
Ayon kay Blinken, aayusin niya ang nasirang American diplomacy. (Reuters)










