Pasado na sa United States Senate ang isang resolusyon na humihimok kay President Donald Trump na patawan ng sanctions ang ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas.
Partikular na tinutukoy sa US Senate Resolution No. 142 ang mga government officials sa Pilipinas na nagpagkulong kay Sen. Leila de Lima.
Kinokondena rin ng naturang resolusyon ang harassment kay Rappler CEO Maria Ressa.
Hinihimok si Trump ng resolusyon na inihain ni US Sen. Edward Markey (Massachusetts) na ipatupad ang Global Magnitsky Act sa mga nasa likod nang pagkakaditine kay De Lima.
Binibigyan ng kapangyarihan ng Global Magnitsky Act ang US government na patawan ng sanction ang mga nakikita nitong human rights offenders, tulad nang pag-freeze sa kanilang mga assets, at pagbabawal sa kanilang makapasok sa Estados Unidos.
Abril ng nakaraang taon na ipinanawagan ni Markey ang agarang pagkalaya ni De Lima.
Tinawag pa nito ang senadora bilang “prisoner of consciene” dahil kinulong aniya ito busod ng sariling posisyon sa politika at paggamit lamang ng kanyang freedom of expression.
Samantala, pending naman sa ngayon sa US House of Representatives ang House Resolutio 223 na iniakda ng 6 na kongresista: Jackie Speier, James Mc Govern, Henry Johnson, Jamie Raskin, Brad Sherman at Lloyd Doggett.
Kinokondena rin nito ang pagkakakulong ni De Lima at ipinapanawagan ang pagkakalaya nito.