Dumating na si US Secretary of State Antony Blinken sa Turkey sa huling bansa na kanyang pupuntahan para sa kanyang diplomacy trip.
Nakipagpulong si Blinken sa mga opisyal ng Israel sa Tel Aviv at tinalakay ang karahasan ng mga settler sa West Bank.
Gayundin na nakipagpulong sa mga pangunahing pinuno ng rehiyon tungkol sa lumalagong mga panawagan para sa isang ceasefire sa Gaza.
Matatandaang ang mga humanitarian agencies ay nawalan ng pakikipag-ugnayan sa mga manggagawa sa tulong sa Gaza, habang ang Palestinian enclave ay nahaharap sa ikatlong communication shutdown.
Dagdag dito, sinabi ng Israel government na nagsasagawa ito ng significant strike sa Gaza, matapos marating ng mga puwersa nito ang enclave area.
Nagbukas din ang gobyerno ng Israel ng apat na oras na evacuation window para sa mga sibilyan habang nakatutok ang opensiba nito sa Gaza City at sa hilagang bahagi ng nasabing lugar.
Una nang nagsagawa ng surpresang pagbisita sa Iraq si US Secretary of State Antony Blinken upang talakayin na hindi magkakaroon ng epekto sa Iraq ang nangyayaring sigalot sa pagitan ng Israel at ng Hamas.