-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono si US Secretary of State Antony Blinken at Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba.

Tinalakay sa nasabing pag-uusap ang patuloy na pagtulong ng US para maipagtanggol ang kaniyang soberanya at territorial integrity laban sa Russia.

Pinag-usapan din ng dalawa kung paano resolbahin ang global food security crisis dahil sa pagharang ng Russia ng mga daungan at pier ng Ukraine.

Ito na ang pangalawang pag-uusap ng dalawa ngayong linggo na ang una ay noong Martes.

Bukod pa dito ay hiniling din ng Ukraine na agaran nilang kailangan ang mga armas para tuluyang maitaboy ang Russia na sumasakop sa kanilang bansa.