-- Advertisements --

Umaasa ang US, Qatar at Egypt na magpapatuloy ang gagawing pagpapalawig ng tigil putukan sa pagitan ng Hamas at Israel.

Muli kasing nagkasundo ang dalawang panig ng pagpapalawig ng isang araw na ito na ang pang-pitong araw na pagpapalawig ng tigil putukan.

Nagtulong-tulong naman ang nasabing mga bansa para mapalawig pa ng mas matagal o permanenteng tigil putukan.

Layon ng nasabing tigil putukan ay para mas maraming mga bihag ng Hamas ang mapalaya ganun din ang mga Palestinian na nakakulong ngayong sa Israel.