-- Advertisements --

Sinampahan na ng kasong desertion ang sundalo ng US na tumakas mula South ay nagtungo ito sa North Korea bago makauwi noong nakaraang buwan.

Si private Travis King ay mahaharap din sa kasong soliciting at possessing sexual image ng bata bukod pa dito ang assault laban sa kapwa niya sundalo.

Magugunitang na bahagi si King sa reconnaissance specialist ay iligal na tumawid sa North Korea noong Hulyo habang ito ay nasa guided tour sa border village.

Ilang linggo ito ng nasa kustodiya ng North Korea at hindi na nagbigay pa ng detalye ang Pyongyang kung paano nila ito napalaya.

Maaring makulong ng ilang taon ang 23-anyos na sundalo dahil sa ginawa nitong pagtakas.