-- Advertisements --
JOE BIDEN ON UN

Idineklara ni US President Joe Biden na palyado ang US immigration system kasabay ng paghayag niya na magiging isang ligtas at makatao ang bagong plano para mabawasan ang crowded borders sa pagitan ng Mexico.

Sa ilalim ng plano na inihayag bago ang pagbisita ni Biden sa borders ng Mexico, hanggang 30,000 kwalipikadong migrante ang papayagang makapasok sa Estados Unidos bawat buwan mula sa Cuba, Haiti, Nicaragua at Venezuela kung sila ay darating habang hinihigpitan ang mga protocols sa mga nais pumasok ng illegal sa nasabing lugar.

Sinabi ni US President Joe Biden dati na siyang nagpadala ng komprehensibong batas sa Kongreso upang ma-overhaul kung ano ang naging sirang sistema o problema ng immigration sa mahabang panahon.

Una na rito, tumanggi ang Congressional Republicans na isaalang-alang ang nasabing komprehensibong plano ni US President Joe Biden.