-- Advertisements --
image 434

Nakiisa si US President Joe Biden sa Britanya sa pagpapahayag ng pagkalugod sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) sa pag-siyu ng arrest warrant para kay Russian President Vladimir Putin dahil sa nagawang war crimes sa Ukraine.

Ayon kay Biden na malinaw na nakagawa ng war crimes si Putin at ang warrant bagamat hindi kinikilala sa Amerika ay maituturing na “justified”.

Sinabi ng the Hague-based na ICC na inisyu nito ang warrant of arrest para sa pag-aresto sa Russian leader dahil sa umano’y pagdukot at deportasyon ng libu-libong mga batang Ukrainian national patungong Russia.

Agad namang itinanggi ng Russia ang naturang paratang na hindi rin kinikilala anmg ICC.

-- Advertisement --