-- Advertisements --

Pinababilisan na ng US ang $500 milyon na weapons deals sa Taiwan.

Ito ay dahil sa patuloy ang banta ng China na paglusob sa nasabing isla na kanilang inaangkin.

Ang nasabing military aid ay unang naaprubahan noon pang Setyembre.

Nagkakahalaga aniya ito ng kabuuang $4.5 bilyon na ibibigay ng US sa Taiwan sa loob ng apat na taon.

Kinumpirma ni Taiwan defence minister Chiu Kuo-cheng na sa mga susunod na araw ay idedeliver na ng US ang mga armas para mapunan ang mga pagkakatantala ng nasabing kasunduan.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Taiwan na parating na ang 66 na advanced at makabagong F-16V jets na kanilang inorder sa factory noon pang nakaraang taon.