-- Advertisements --

Pinabagsak na ng US military ang isang hindi malamang bagay sa Lake Huron, Michigan.

Isinagawa ang operatioin ilang oras matapos na isara ng Federal Aviation Authority (FAA) ang airspace sa norhern part ng Lake Michigan.

Nangyari ang insidente isang araw matapos isara rin ng FAA ang airspace sa Montana at ang pagpapabagsak ng US warplane ng isang high altitude object sa Canada.

Ito na rin ang pangatlong naitalang paglabag sa airspace ng North America sa loob ng dalawang linggo.