Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na pinabalik ng mga opisyal nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isa pang convicted American pedophile na nagtangkang pumasok sa bansa noong weekend.
Sa isang ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI ang pasahero na si Nathan Lee Woodward 56 anyos.
Dumating ito sa Terminal 1 ng NAIA noong Enero 27 sakay ng flight ng mula Los Angeles ..
Sinabi ng BI-BCIU na tinanggihan si Woodward na makapasok matapos ang kanyang pangalan ay mayroong derogatory hit sa border control information system ng bureau nang i-scan ng opisyal ng BI na nagproseso sa kanya ang pasaporte ng pasahero.
.Agad siyang binigyan ng exclusion order at sumakay sa susunod na available na PAL flight papuntang Los Angeles.
Ipinakikita ng mga rekord na si Woodward ay hinatulan ng korte sa Nevada noong 1990 sa paratang ng mahalay na gawain laban sa isang 14-taong-gulang na bata.
Bilang resulta ng kanyang paghatol, kinailangan siyang irehisteo bilang isang sex offender pagkatapos ng kanyang sentensiya.
Patuloy na sinusubaybayan ang mga aktibidad at galaw ng mga nakarehistrong sex offenders (RSO) sa US at iba pang mga bansa dahil binibigyang-daan nito ang mga awtoridad na ipaalam sa kanilang mga katapat sa ibang bansa kung ang alinman sa mga sex offenders na ito ay naiulat na naglalakbay sa teritoryo Philippine immigration act ay tahasang nagbabawal sa pagpasok ng mga taong nahatulan ng mga krimeng may kinalaman sa moral turpitude.