-- Advertisements --
Pumanaw na ang sikat na American opera singer na si Charity “Sunshine” Tillemann-Dick sa edad 35.
Nakilala si Charity sa pagsasailalim sa dalawang emergency lung transplants matapos na ma-diagnosed ng pulmonary hypertension noong 2004.
Hindi naging hadlang sa kaniya ang nasabing pagpapaopera dahil sa ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtatanghal sa iba’t-ibang bansa.
Umabot pa sa no.1 sa Billboards’ traditional classical charts ang kaniyang album noong 2014.