-- Advertisements --
download 1

Pinawi ng US Navy commander ang posibilidad ng giyera na maaring mangyari sa Indo-Pacific sa gitna ng military tension sa pagitan ng US at Chinese forces sa rehiyon.

Kasabay ng isinasagawang Pacific Partnership 2023, na pinakamalaking humanitarian aid at disaster relief preparedness mission sa rehiyon, nanindigan si US Navy Mission Commander Captain Claudine Caluori na nais lamang ng Estados Unidos ang isang matatag, malaya at bukas na Indo-Pacific region.

Ipagpapatuloy din ng US ang suporta nito para sa mga kaalyado at partners nito kasabay ng pagpapalakas ng kanilang ugnayan sa isa’t isa.

Sinabi din ng US Navy commander na ang Pacific Partnership ay hindi konektado sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia gayundin ang giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas kung saan parehong sangkot ang US sa pamamagitan ng pagbibigay ng military assistance.

Paliwanag pa nito na ang naturang programa ay isinasagawa taun-taon kayat hindi ito tugon sa anumang nasyon o kasalukuyang mga kaganapan kundi nakasentro ang programa sa disaster relief preparation.