-- Advertisements --
Nanawagan ang US na dapat protektahan ng Israel ang buhay ng mga inosenteng tao sa Gaza.
Sinabi ni White House national security adviser Jake Sullivan na dahil sa tumataas na ang bilang ng mga nasasawi sa Gaza mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang pag-atake sa kuta ng mga hamas.
Mahalaga aniya na malaman ng Israel ang pagkakaiba ng mga sibilyan at mga Hamas militants para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nadadamay na inosenteng katao.
Nakatakda namang tawagan ni US President Joe Biden si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at maaring iparating nito ang mensahe na pagprotekta sa mga sibilyan.