-- Advertisements --
Nananatili pa ring matatag ang suporta ng US sa Ukraine mula noong lusubin sila ng Russia.
Ito ang naging mensahe ni US President Joe Biden matapos ang personal na pakikipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng kapwa sila dumalo sa pagpupulong ng North Atlantic Treaty Organization sa Lithuania.
Dagdag pa nito na hindi maaring puwersahang masakop ng isang bansa ang katabing bansa nito.
Binatikos din nito si Russian President Vladimir Putin dahil tila minaliit nito ang kakayahan ng Ukraine ng kanilang sakupin noong nakaraang taon.