Kinumpirma ng Department of Public Health ng Los Angeles ang kaso ng unang namatay sa monkeypox sa United States.
Ang nasawi ay residente ng county na sinasabing kabilang sa “severe immunocompromised individuals” na nanghina na rin ang immune system.
Dagdag pa nito, mayroon na umano itong mga malalang karamdaman kaya dinala na kaagad sa ospital.
Sa ginawang autopsy, nakumpirma na monkeypox ang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Sa kabilang banda, 18 katao na ang namatay sa labas ng bansang Amerika ngayong 2022; nasa 4,300 naman ang dinapuan ng sakit mula sa California.
Ayon rin sa datos, ang may pinakamalaking bilang ng monkeypox outbreak sa buong mundo ay ang United States na may kabuuang 22,000 cases sa kasalukuyang buwan.
Ang monkeypox outbreak ay nakapagtala na ng kabuuang 58,000 cases sa buong mundo. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)










