-- Advertisements --
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga ilang tao mula sa kampo ni US President Donald Trump ang gumagawa ng hakbang para mapigilan ito sa pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon sa Pangulo, na may mga hakbang ang ginagawa ng US para hindi matuloy na mabasura ang VFA.
Dagdag pa nito na hindi niya papayagan pang matuloy pa ang VFA dahil sa pambabastos na ipinapakita nito sa bansa.
Inihalimbawa pa ng Pangulo na sa ilang dekada na pakikipaglaban ng gobyerno sa New People’s Army ay walang naitulong ang US.