-- Advertisements --

Sinimulan na ng US house of Representative ang pagdinig para malaman ang pinagmulan ng COVID-19.

Ang nasabing panel na karamihang binubo ng Republican majority ay naglalayon na malaman kung saan nga ba nagmula ang COVID-19.

Mag-iimbita pa ang mga ito ng iba’t-ibang eksperto na nagsagawa ng pag-aaral ukol sa nasabing virus.

Maraming mga opisyal kasi ng US ang nagsabi na ang COVID-19 ay nagmula sa pag-leak ng laboratoryo sa Wuhan, China.

Unang itinanggi ng China na galing sa nag-leak na laboratoryo ang nasabing virus.